Dalawang araw na lang at bagong taon na... December 30, 2011 ngayon at araw kung saan ako'y magbabalik tanaw sa mga nangyari sa akin ngyong 2011.
Kung ang taon ng 2010 ay ang taon kung kailan ako tuluyang naging legal dahil ako ay 18 years old ng nabubuhay sa mundo. Well, ang 2011 naman ay ang taon kung saan samu't saring mga pagbabago ang nangyari. Take note: Samu't-saring mga pangyayari. Aside from maraming nagbago, ito rin kasi ang huling taon ng pagiging teenager ko. Yes you read it right 19 years na ako namamalagi sa mundo at sa 2012 ay bente na ako. Hayaan niyo akong balikan ang lahat ng mga pangyayari sa 2 quarter ng taon. Okay ba yun?
So ngayong 2011 ay nalaman kong immature pa rin ako. Pero siyempre nag mamature ako sa mga paglipas ng panahon. Nagmamature sa katawan (ehem), sa boses (tsk tsk,,,late bloomer kasi ako sorry na)... at sa pag-uugali...
Okay start na... First quarter ng taon...
January-April 2011
Ang daming nangyari ng mga buwan na ito. Biruin mo first year anniversary ng pagkabangga ni daddy ng January 20, 2011 at 25th wedding anniversary pa at birthday pa ng aking isa sa mga paboritong tita. Sobrang daming pangyayari. Ayun at dito ako nag start mag todo diet kasi ako ay ingetero sa mga kaibigan kong mga payat. Perokidding aside nung birthday ko January 22, 2011 simpleng handaan lang ang naganap. Basta I just want to be with my family. Ayaw ko mag invite ng friends. Basta we celebrated my birthday na kami kami lang. Simpleng handaan, simpleng tawanan... Basta yun na! Ako ay masaya nung birthday ko kasi nakasama ko ang pamilya ko. Next, I think January 25 nung trineat ko ang aking mga kaklase sa inuman, hahaha. Treat pero nagdagdag din naman sila. Ayun first ever inuman ko with them at sobrang astig lang kasi nalasing ata ako (Okay ako na si Cris lasingero..). Pero hindi naman siguro kasi after nung event nag facebook pa ako e. January ay isang blast na buwan para sa akin.Mas blast pa sana kung merong dalagang dumagit ng puso ko. Pero wala so ang ma-blast (sounds like malas) lang... hahaha
Ito na ang Pebrero at Marso, unforgettable kasi kami ay nag immersion sa Bataan. Second time ko sa Bataan pero first time na may immersion dun. At ito pa dahil nga sa gustong gusto ko ang buhay misyonero at maranasan ang maging isang fisherman, ako at ilan sa mga klasmeyts ko ay nagbangka... Badtrip naman, at naging big issue to. Lalo na nung nagsumbong ang ilang tao na skami raw ay nagbangka. Anyway, oo na nagbangka kami not for fun but to experience the life of our adopted family. Pero saya lang nun kasi sobrang daming taong gustong tumulong sa amin para lang di kami magkaroon ng violation. Ako naman ay nerbyos na nerbyos noon kasi nga ako ay tatakbo sa council at kung ano ano ang mga nagsulputang problema sa buhay namin noon. Pero basta masaya ang February. Dahil dito naging buo ang aming section at panahon din ito ng aming pagtakbo sa eleksyon. Don't make me wrong di ako pulitiko, I just really want to serve my shoolmates and I think nagawa ko naman...At nung MArch, ako ay nanalo sa election. At nakapunta rin ako sa Mindanao to sdo missionary works. Oo naging misyonero na ako. Hahaha... Ang saya sa Manticao, first time ko sa Mindanao at nagtungo ako dun para maging misyonero at hindi isang traveller. Pero mind you after this March escapade... Boom na ng boom ang mga blessings. Salamat sa mga nagdasal para sa akin.
April... BYEE mode na. nakapasok ang aking application, natanggap ako sa regionals, at nakapasa sa nationals. Ang hirap ng interview pero ang astig lang kasi naging magandang experience at sobrang nagboost ang confidence ko to talk to other people. Dahil dito nabuo ang aking BAKAS! Hinding hindi ko makakalimutan ang panahon na ito.
Second quarter ng taon (May-August)
Ito na ang start ng pag gala ko at pagbibigay buhay sa mga proyekto ng bakas. Ang daming environmental children's camps din ang aming nagawa. Salamat sa mga volunteers.Nakapunta rin ako sa Ilocos para sa TPSLC. June at July ay nakapunta ako ng South Korea for three weeks sa isang world leadership training na nakaka-trauma. Basta nakakastress na three weeks yun pero masaya lang. After naman ng trip ay balik na ulit sa mga projects ng BAKAS, sobrang salamat talaga sa PSG ng SPUQC at officers sa pagbibigay buhay sa mga plano lalo na ang pagpunta sa mga adopted communities. KUDOS talaga sa inyo. Idol ko kayong lahat. Salamat! August ng ako ay sumali sa camp ng BYEE sa Laguna. Saya ng experiences dun at naging artista din kami kasi sikat na direktor ang nag direk ng aming shooting ng mga spiels. Basta yun na! August din ng nalaman ko na makakapunta ako sa Germany gawa ng BAKAS. At London dahil sa mapangahas kong pag apply sa Global Youth Summit. Basta daming sorpresa dito sa buwan ng Agosto Nakapunta rin ako ng Baguio pala para bumisita sa mga utol ko dun.
Third Quarter (September-December)
Halo-halong emosyon ang aking naramdaman dito. Grabe ang hirap ng mga subjects ko dahil nga third year na ako. Pero okay naman at yung IBA kong guro ay supportive. Hindi tulad ni_______ ah basta God bless her na lang...
Anyway, sobrang saya ng September kasi dami kong inasikasong visa. Una visa sa Germany with the help of Daddy Cedi, at minadali pa ng SPUQC para naman sa visa for South Korea. Okay, October ng tuluyan na akong umalis ng nasa para magtungo muli sa South Korea, at doon ko rin naramdaman na bumaba ang grades ko at may prof pa akong nagalit dahil di raw ako nakapagpaalam. Di man lang daw ako nagtext. Hala, kung alam niyo lang po na di gumagana ang roaming ko sa Korea. Tsk. Nag pm naman ako sa FB nya at dedma. Okay ganun pala, edi yan hanggang ngayon dinededma na kita. (Kainis, pero God bless you na lang talaga). Buti naman yung isa kong teacher na 5 ang binigay sa akin ay binigyan ako ng chance. Salamat po (Smile ng humble). Sa South Korea marami akong naging kaibigan na iba't-ibang lahi. At nagkaroon din ako ng Pinoy friend na anak ng Mayos sa isang bayan sa Romblon. Katuwa lang.
Next after ng ilang days na pananatili sa Korea, panahon naman para ako ay pumunta sa Germany. Share ko lang na umuwi lang ako sa Pinas right after ng Korea trip para ayusin yung laugage ko at after three hours, balik airport ulit para sa Germany trip. Tama tuloy tuloy ang biyahe walang pahinga pahinga... So ayun. Sa Germany sobrang lamig. First time ko sa Europe at finally natupad na rin ang pangarap ko. Salamat kay God for giving me the opportunity at wonderful blessings sa aking buhay at sa buhay ng aking pamilya.
After ng trip, pag uwi ko lugmok ang mukha ko dahil sa bagsak ko. Hahaha.. Pero okay naman na. Grabe lang si ________, di man lang ako naunawaan na mahirap ang pinagdaanan ko. Wala talaga siyang puso. Basta sorry ka na lang po kasi di ako ang tipo ng taong hahabol habol at magpapaka sweet. Sorry. Di po ako ganun. Di tulad ng mga favorite students mo na sobrang mga parang bata. bwahahaa...
After two weeks nagpunta rin ako ng Baguio with my CAR friends. Kilala niyo na kung sino kayo. At naging masaya naman...
After nun ay inasikaso ko ang visa ko sa London. Sa London ay naging masaya at fruitful ang lahat. Marami akong nakilalang kabataan na sobrang tatalino at ang gagaling mag isip ng proyekto para sa pagbabago ng kani-kanilang lugar. Basta the best ang GYS2011 ng British Council Ang sarap maging Global Changemaker.
At yung AYLC naman, badtrip yun. Di ako nakapasa. Basta hayaan na lang sila. Period!
hahaha...
Sa totoo lang ay naging masaya ang buhay ko ngayong 2011, nagkasakit man ako ay di naman ganung kalala, naging malungkot man ako pero di ganung ka-severe. Naging maayos naman talaga ang buhay ko ngayon at ng pamilya ko. Sa flow ng pera ay naging maayos lang din. Ang saya talaga ng 2011 ko at sobrang blessed lang talaga ni God. Lord, thank you sa iyong mga magagandang biyaya ngayong taon. Sobrang salamat lang po talaga.
Sa 2012, hindi ko alam kung ano ang mangyayari. Magkaka-love life na kaya ako (Sana naman...) mas magiging masaya pa kaya? Mas marami pa kayang biyaya at paglalakbay ang aking mararanasan? Yan ang ating abangan... Basta ngayon magpasalamat tayo sa Diyos dahil nabuhay tayo ng masagana at malayo sa disgrasya. :)
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.