Wednesday, February 23, 2011

PANALANGIN

Panginoon pinupuri at pinapasalamatan kita sa pinakatatang-tanging biyaya mo sa amin ang pagkalooban kami ng buhay.

Ako po ay lubos na humihingi ng tawad sa lahat ng aking pagkukulang, kasalanan at mga bagay na alam kong nakasakit sa inyo. Panginoon maraming salamat po sa mga biyayang pinagkaloob ninyo sa akin, sa pamilya ko at sa mga kaibigan ko.

Alam ko po na hindi ako karapat dapat na humarap sa inyo ngunit alam ko rin po na lagi niyo akong binabantayan at inaakay na bumalik sa inyo at lagi niyo akong hinahawakan upang mas maramdaman ko ang inyong pagmamahal.

Sa tuwing ako ay nakakalimot sa inyo nawa ako ay inyong patawarin. Panginoon pinapasalamatan ko rin po kayo sa mga problemang dumarating sa aking buhay alam ko po na ang mga iyon ay hindi lamang upang subikin ang aking kakayahan bagkus upang hubugin ang aking pagkatao. Upang ako ay mas maging matatag at malakas sa mga problema pang darating sa aking buhay.

Akin pong pinauubaya sa inyo ang aking buhay. "Not my will but Yours be done."

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.