Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon wala pa rin akong nagiging girl friend. Minsan gusto ko tumawa minsan nagtatanong blang ako lagi sa sarili ko at minsan wala lang sa akin.
Ako na siguro ang isa sa mga malas na lalaki sa mundo. At age of 19 wala pa rin akong nagiging girlfriend. May mga nagustuhan naman na akong mga babae, halos lahat nga mga unica ija ng pamilya nila... Hahaha ang hilig ko sa kung hindi only child e only girl naman sa pamilya. Hahaha...
Babalikan ko lang yung dating naging gusto ko, for two years rin akong nakipagkulitan at nangulit sa kanya. Pero as usual busted naman kasi di pa raw siya ready. hahaha Pero sayang yun a, close ko na parents niya. Siya na lang yung hinhintay ko pero wala talaga e. Naghintay rin ako ng mga 6 months pa hanggang sa umayaw na rin ako kasi talagang wala sigurong kahihinatnan kung maghihintay pa ako.
Second nagkagusto naman ako sa isang psychology student sa school namin. Ayos naman. Isang linggong pagkakaibigan lang. One week puro text. Kiligan moments at kung ano ano pa. Alien pa nga tawagan namin. Tapos may smiley pa kami para sa isat isa..ganito o " :))" Ayun hanggang sa di na nagparamdam. Tapos namiss nya ata ako nagparamdam din. Hanggang sa nawala na yung nararamdaman ko sa kanya. In short we're not meant to be.
Third, nagkagusto naman ako sa isang taga SPUM. Na meet ko sa Cagayan de Oro may summer camp kasi kami. Wala lang we have something in common kasi pareho kaming Paulinian since kinder. MABAIT rin kasi siya saka humble... Pero tulad nung sa psychology student konting panahon lang din ang pagkikita namin nito. twice lang. hahaha... Kasi naman busy siya at ako wala lang cool lang ngayong buwan pero next month wala na siyang gagawin back to normal at ako naman on my mission na. I think baka hindi rin kami sa isa't-isa. Infatuation lang na naman siguro.
Next eto na naman, bigalang nagparamdam yung dati kong gusto. Hindi ko alam kung ano balak ni Lord at nagkaroon na naman kami ng communications. Siya kasi yung longest na hinintay ko. Honestly namiss ko rin siya. Yun nga lang mejo busy din siya ngayon kais nursing student. Di talaga niya hilig magtext. Pero nagtext siya pero limited lang talaga. Anyway, bahala na kung ano mangyari.
Until now, I'm still praying for the right girl for me. Ganito pa la yung pakiramdam pag di pa nakakaranas mag ka girlfriend, maraming taong sa isip. Minsan naiinip. Minsan nga iniisip ko na lang baka nameet ko na pala di ko lang pinansin. Yung mga ganung bagay.
Pero satingin ko God wants me to love my self first before I can love someone forever. Naks, ang drama naman pero sa totoo lang nalulungkot ako kasi parang napaka late bloomer kong tao. Bata pa naman ako, at alam ko in God's perfect time ay makikilala ko na rin siya at makakasama. May be God is still writing the best love story of mine... hahaha
Hopeless romantic ang dating ko. Pero bahala na talaga. Maghihintay lang ako, makikinig sa tibok ng aking puso. Mag eenjoy at mamahalin ang buhay ko para naman pag may ibang buhay na akong kailangan mahalin ay alam ko na ang aking gagawin...
In GOD's PERFECT TIME. Makikita ko rin ang better half ko. :))
Still waiting for you. Pag nakita na kita, papabasa ko sayo to. :)) Maging sino ka man I love you. Ms. Right of my life!
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.