Sa wakas makakapag sulat ulit ako ng isang blog. Matapos ang isang buwang hindi pagsulat ay makakagawa muli ako.
Noong nakaraang Marso 31, 2011 ay nagtungo ako kasama ang iba pang mga Paulinians ng Quezon City sa Manticao, Misamis Oriental para maging isang misyonero sa loob ng isang linggo.
Dito ko nakilala ang sarili ko at ang ilan kong mga kaibigan na sila Daisy, Josa, Abyss, Ina, Vini, Sir Mark at Sir Wallen. Kakaibang experience ang maging isang misyonero sa isang lugar na ngayon ko lang napuntahan. Sa Manticao ay may mga nakilala akong mga bagong kaibigan mula sa SPUM, SPUP, SPCIS, SPUS. Ang sarap sa pakiramdam na nagkasama sama kami sa Mindanao dahil sa isang misyon ang magbigay buhay sa kapwa namin Pilipino at maipakilala si Kristo sa bawat pamilya na aming pupuntahan.
Marami kaming ginawa sa Manticao, feeding, tutoring, kainan, at isang mano manong production na naging masaya naman ang kinahantungan. Nagtungo rin kami sa Bukidnon para mag zipline at sa Cagayan de Oro para bumisita sa Xavier University.
Naging masaya ang buhay namin sa Mindanao. Nung una akala namin kami yung magbibigay buhay sa mga bata pero ang nangyari ay sila pa mismo ang nagbigay buhay sa amin para ipagpatuloy ang misyon na aming nasimulan. Sa simpleng mga ngiti at higpit ng yakap ng mga tao sa aming pinuntahan ay ramdam na ramdam ko ang pagmamahal ng Diyos.
Sa Manticao ko nakilala ang mga bago kong kapatid. Sa Manticao ko rin natagpuan ang pinagdasal ko. Sa Mindanao ko rin naranasan ang magmahal ng sobra dahil sa mga batang nakapaligid sa akin ay ramdam na ramdam ko na si Hesus ay nasa piling ko lagi.
Bilang isang Misyonero, alam ko ang misyon ko ang ipagpatuloy ang sinumulan ni Kristo at ibahagi ito sa kapwa ko mga Pilipino. :))
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.